Thursday, June 14, 2007

BUHAY CALL CENTER

(Wag ko sana danasin ang lahat ng ito)

1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay "boarder" at sinisingil ka na nila sa upa mo.

2. pag sasagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel...example:*toot* .... thank you for calling (the company) this is (your name) how may i help you?

3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15mins break nyo, itinutulog mo na lang para fresh pagkacalls uli, mya na yung 1 hour nap.

4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao,at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way.

5. marami ka nang naiipong jacket... nakakahiya naman kung pare-pareho jacket mo araw-araw at super ginaw naman pag wala.

6. sanay kang maglakad-lakad ng nakamedyas.

7. ang tawag mo sa mga friends mo...dude, bro, coach,tl, sup.

8. di na dugo ang dumadaloy sayo... kape!

9. finefake mo na wag maging "slang" pag nagbabayad ka sa tindahan o kaya sa jeep para wag akalain na pasosyal ka... masama pa, mas panget pakinggan.

10. tadaaaaa! nagsasalita ka sa pagtulog mo, pati calls monapapanaginipan mo.

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang... *sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh**

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang
traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain.

19. hindi ka na kilala ng aso nyo

20. ayaw mo na mag-jeep. kailangan taxi or kaya aircon na bus.

21. wala ka nang alam na balita.

22. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na't alam mong successful lahat ng ka-batch mo.

23. sasabihin mo field ng trabaho mo IT, di call center.

24. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..

25. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..

26. pag payday... olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun..:P

27. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng noon time show!

28. hindi mo na kilala ang mga bagong artista.

29. hindi mo na alam itsura ng mall...

30. di ka na maebs sa bahay, sanay ka na sa cr ng 5th floor or ibang floor.

31. madalas kulang gamit mo sa bahay dahil nasa locker

32. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

33. alam mo kung sino si Avaya

34. sanay ka nang pumasok ng bagong gising... kakabangon lang galing sleeping area.

35. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT+ DEL iba ang lalabas.

36. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay.

37. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt and cap astig!)

38. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila

39. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!

40. mabilis ka ng mag pabili ng corn bits at chicharon sa ermats mo...

41. nakapanood ka na ng rally sa Ayala

42. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

43. nakita mo na lahat ng klase ng vendo machine

44. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

45. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

46. sanay ka na makarinig ng napakalakas na pag singa ng sipon.

47. marami ka ng naipon na microwavable container

48. marami kang ketchup packs galing mcdo at jollibee

49. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. di nila maintindihan ang ibig sabihin ng ticket..

50. hindi ka na sanay umakyat ng hagdan

51. pag gumagamit ka ng cr,, di ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa na lulubog ebs mo.

52. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

53. during office hours, hindi ka lalabas ng building ng walang dalang relo. baka ma-OB.

54. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo.

55. marunong ka na makipagsagutan at makipagbarahan ng english

56. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwatro ng umaga

57. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.

58. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay clear cache at cookies.

59. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..

60. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay

61. kala mo libre ang kape sa select...

62. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.

63. pag nag cr ka...sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl...

64. nakaipon ka na ng mouse ball sa bahay

65. nagulat ka ng masabi mo ang opening spiel mo habang nagbabayad sa jeep

66. naka id ka pa kahit nasa jeep

67. kaya mong tiisin na hindi palitan ang damit mo ng 16 hours

68. pagtinanong ng mga ka tropa mo kung ano ang sinusupport mo... sabihin mo msn.com (hahahaha!) kasi pag sinabi mong passport, hindi nila alam yun.

69. mas sanay ka na mag Ctrl+C & Ctrl+V at nahihiya ka na ngayon mo lang nalaman yun.

70. madalas mo harangin ang mga calls

71. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. pag-uwi mo nandun pa rin.

72. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!

73. gusto mo nang lumipat sa makati

74. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, nagsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!

75. minumura mo pag nakatalikod kahit sinong amerikano na makita mo. *yan ung kausap ko kanina!!!**

76. pag tinatamad ka tumanggap ng tawag, matapang ka na at alam mo na ang gagawin: RELEASE!

77. puro kalyo na ang wrist at daliri mo

78. sanay ka nang makipag-usap sa telepono sa bahay kahit malakas ang TV. sa office parang limang TV ang nakatapat sayo habang may kausap.

79. pumasok ka na ng puyat, lasing at gutom

80. may picture ka ng nakasuot ng headset

81. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata. hindi pwede pahuli.

82. lahat ng style ng pagtulog maiisip mo.

83. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala

84. mas gusto mo na mag warm transfer sa ibang department para makatulog ka habang naka-mute at nakikinig sa usapan nila

85. yung ex mo may kasama ng iba

86. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad.

87. d2 ka na sa opisina nakakabili lahat ng gamit mo: kwintas, sabon, shampoo, tocino, longganisa, hikaw, magazine, aso, libro, tshirt, prepaid card, eload, dvd, vcd, yema, corn bits...

88. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave

89. palaging matabang ang kape sa office

90. imposibleng hindi ka pa nakatanggap ng memo

91. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo.

92. nakakausap ka na ng pilipino sa ibang bansa

93. dami mo na naiipon na stirrer (red) galing starbucks kakabili ng
kape.

94. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.

95. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.

96. dito ka lang makakakita ng pinagsama-samang tinda na: medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon...

97. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel's pancit canton, wendy's. north park, starbucks

98. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa ng C shift.

99. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!!!

100. may bago kang damit kada sweldo dahil takot ka makarinig nanaman na paulit-ulit ang suot mo.

101. Lahat ng kaibigan mo kinakahiya at minamaliit nila ang ginagawa mo... Pero pag dating sa araw ng sweldo nagpapalibre sayo.



102. Lahat ng nanglalait sayo na sa call center ka nag tratrabaho, ngayon nakikita mo sa lobby na nag-aapply.



103. Eto na ang tinuturing mong Buhay!



104. Mas nauuna ka pa mag resign sa mga taong nagsasabing mag'reresign na sila.... na since January 2000 pa nila sinasabi na mag reresign na sila...

No comments: